Philippine embassy, naglatag na ng hotlines para sa OFWs na boluntaryong uuwi sa Pilipinas

Naglatag na ng hotlines ang Philippine embassy sa Lebanon para sa mga Pilipinong nais nang umuwi ng Pilipinas.

Kasunod ito ng ipinatupad ng pilipinas na Alert Level 3 sa Lebanon.

Sa harap ito ng kaguluhan doon sa pagitan ng Israel at Hezbollah group.


Sa ngayon, halos 2,000 ang mga Pilipino sa Lebanon.

Una na ring inabisuhan ng iba’t ibang bansa ang kanilang nationals na umalis na sa Lebanon dahil sa kaguluhan doon.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa:
Migrant Workers Office: +961 79 110 729
ATN Hotline: +961 70 858 086

Facebook Comments