Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng DNA examination sa labi ng Resorts World Manila gunman na si Jessie Javier Carlos.
Ayon kay Aguirre – ito ay upang maalis na ang pagdududa sa tunay na pagkakakilanlan ng suspek kasunod na rin ng paglutang ng pamilya nito sa Philippine National Police.
Una na kasing inihayag ng PNP na isang dayuhang Caucasian ang suspek.
Inatasan na rin ni Aguirre ang NBI na magsagawa ng parallel investigation kaugnay sa mga posibleng kaso laban sa mga responsable sa nasabing pag-atake.
DZXL558
Facebook Comments