Kilos protesta ng PISTON sa tanggapan ng LTFRB, bahagyang nagkagulo

Manila, Philippines – Nagkatensyon sa pagitan ng mga tauhan ng LTFRB at mga nagkikilos protestang tsuper at operator ng jeep sa Quezon City.

Nagsasagawa ng pagkilos sa harapan ng opisina ng LTFRB ang mga miyembro ng Pinagkaisahang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng bilang silang umalma sa isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng ahensya.

Ang PISTON ay nagsagawa ng transport strike ngayong araw bilang pagprotesta sa hakbang ng gboyerno na jeepney modernization program.


Agad naman napahupa ang sitwasyon at nagkasundo ang LTFRB at PISTON na magkakaroon ng dayalogo matapos pirmahan ang omnibus franchising guideline sa June 19.
DZXL558

Facebook Comments