Broad-based bilateral defense at security relations, mas pinagtibay ng Pilipinas at Singapore

Muling pinagtibay nina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., at Singapore Defense Minister Dr. Ng Eng Hen ang malawak na bilateral defense at security relations sa pagitan ng 2 bansa.

Sa kanilang pagpupulong sa sidelines ng 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue noong Sabado, nangako ang 2 opisyal na lalo pang palalakasin ang kanilang kooperasyon sa mga usaping may kinalaman sa seguridad sa rehiyon.

Sinabi ni Dr. Ng na kailangang pinahahalaganan ang boses ng bansa sa regional at multilateral forums.


Sinabi naman ni Teodoro na kinakailangan pang magtulungan ang mga bansa sa mga usaping kapwa may interes ang mga ito.

Bago ito, nakipagpulong din si Teodoro sa mga Defense Ministers ng Lithuania, Canada at New Zealand.

Layon nitong mapalalim pa ang defense at security cooperation sa pagitan ng mga nabanggit na bansa.

Facebook Comments