Nanindigan ang Department of Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa nilang ipagtanggol ang soberanya ng bansa at ipatupad ang batas sa loob ng pambansang territoryo.
Sa isang statement, inihayag ng DND na nakapaloob sa territoryo ng Pilipinas ang munisipyo ng kalayaan na bahagi ng lalawigan ng Palawan.
Binigyang diin ng DND na tinatalikuran ng Pilipinas ang giyera bilang instrumento ng pambansang pulisya.
Pero lahat ng “resources” at pamamaraan ay gagamitin ng militar para ipagtanggol ang “sariling atin” kung ipag-utos ng pambansang liderato.
Matatandaang sinabi ng Pangulo noong nakaraang linggo na hindi niya papayagan na ma-okupahan ng China ang Pag-asa Island, na sakop ng lalawigan ng Palawan.
Sa ngayon aniya kasalukuyang isinasagawa ang konstruksyon ng mga pasilidad sa isla kabilang ang pagsasaayos ng runway at pagtatayo ng isang beaching ramp.