Tiniyak ng Dept. of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili ang kaayusan at kapayapaan sa Mindanao.
Ito ay sa kabila ng pagbawi ng Martial Law sa Rehiyon.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, naniniwala ang Security Cluster ng Administrasyon na nakamit na ng Martial Law ang layunin nito sa Midnanao, kaya hindi na ito pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi rin ni Lorenzana, na ang rebelyon sa Marawi City at iba pang lugar sa Mindanao ay epektibong nahinto.
Dagdag naman ni AFP Spokesperson, Brig/Gen. Edgard Arevalo, kumpiyansa sila sa maayos na seguridad sa Mindanao.
Pero paglilinaw ng AFP na ang Proclamation No. 55 o ang State of National Emergency ay nananatiling umiiral sa Mindanao.
Facebook Comments