MANILA – Aminado ang Defense Department na nakababahala ang paglalagay ng China ng mga gamit pandigma sa West Philippine Sea (WPS) kung ito ay totoo.Sa ngayon ay bineberipika pa ng DND ang report kung kumpirmadong naglagay nga ng mga gamit pandigma ang China sa pinag-aagawang teritoryo.Pero sakaling totoo ito sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenza – na malaking pangamba ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng bansa na naglalayag sa South China Sea.Nangangahulugan ito na pinatatauhan na ng China sa kanilang militar ang isla na kanilang sinakop bagay na hindi na anya maganda.Una ng sinabi noon ni Chinese President Xi Jinping na wala silang intensyong I-militarize ang West Philippine Sea.
Facebook Comments