Pag-Amin Ni Pangulong Duterte Na Mayroon Na Itong Napatay Na Kriminal, Impeachable Offense – Sen. De Lima

4

MANILA – Iginiit ni Sen. Leila De Lima na impeachable offense ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon na itong napatay na kriminal sa Davao City.Kasunod ito ng pahayag ng pangulo sa isang business forum sa Malakanyang na dati siyang nag-iikot sa Davao para maghanap ng mga criminal.Ayon sa senadora, ito’y isang malinaw na paglabag sa saligang batas.Inakusahan din ni De Lima si Pangulong Duterte na betrayal of public trust dahil sa malawakang patayan sa gitna ng kampanya laban sa ilegal na droga.Pero, giit ni House Speaker Pantalleon Alvarez – na hindi maaring maimpeach ang isang opisyal dahil lamang sa mga salita.Dapat anya muna itong patunayan na nagkaroon ito ng pagkakamali.

Facebook Comments