Kabuuang 17 mga sundalo mula sa 64th at 18th Infantry Battalions at 12th Division Reconnaissance Company sa ilalim ng Joint Task Force Basilan ang binigyan ng medalya ni Department of National Defense (DND) Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., sa pagbisita nito sa Zamboanga City nitong weekend.
Ang mga ito ay nagtamo ng sugat sa naganap na three-day conflict sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) sa Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan nuong November 8 hanggang 10.
Matatandaang sa nasabing sagupaan, 3 sundalo ang nasawi mula sa 18IB.
Samantala, maliban sa medalya pinagkalooban din ng Philippine Army ng tulong pinansyal ang mga sugatang sundalo.
Ani Usec. Faustino, dapat mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Nito lamang Biyernes nilagdaan ng magkabilang panig ang kasunduan sa pangangasiwa ng Government of the Philippines MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities at Ad Hoc Joint Action Group na nagdedeklara ng immediate ceasefire sa pagitan ng magkakakatunggaling mga partido.