Higit ₱250-M shabu, nakumpiska ng PDEG sa buy-bust operation

Nakasabat ang mga tauhang ng Philippine National Police Drug Enforcement Unit ng humigit-kumulang 37 kilo ng shabu na may street value na P251.6 million sa isang drug buy-bust operation sa Imus, Cavite, Sabado ng gabi.

Ayon kay PDEG Director PBGen. Narciso Domingo isinagawa ang operasyon matapos ang ilang buwang paniniktik sa tahanan ng mga suspek sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.

Naaresto sa buy-bust sina Datu Ali Dayo Sampulna, 38 taong gulang at Almira Karao Sampulna, 30 taong gulang na kapwa tubong Cotabato City.


Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga naarestong suspek.

Facebook Comments