DND budget sa 2021, tumaas ng 9%

Tumaas ng 9% ang pondo ng Department of National Defense (DND) para sa susunod na taon.

Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na P16.96 billion ang dagdag sa budget ng DND sa 2021 na nasa P208.7 billion, mas mataas sa P191.7 billion ngayong 2020.

Paliwanag ni Lorenzana, tumaas kasi ang mga inilaang pondo sa Personnel Services na nasa P2.4 billion, Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na P7.6 billion at Capital Outlay na nasa P6.89 billion.


Para sa 2021 budget, P96.8 billion ang pondo para sa Army, P29.8 billion naman sa Air Force habang P31.2 billion naman sa Navy.

Itataas naman sa P33 billion ang pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization sa 2021 kung saan plano na makalagda ng sampung procurement contract para sa modernisasyon ng hukbong sandatahan.

Facebook Comments