DND, inaalam kung Chinese vessel ang bumangga sa Filipino fishing boat sa Recto Bank

Patuloy ang imbestigasyon ng Department of National Defense (DND) para malaman kung Chinese vessel ba ang bumangga at nagpalubog sa Philippine fishing boat sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang ambush interview, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ibinase nila ang kanilang inisyal na ulat sa personal accounts ng 22 Pilipinong mangingisda.

Aniya, tatanungin din nila ang panig ng Vietnam at China hinggil sa insidente.


Iginiit din ni Lorenzana na ang Recto Bank ay maaaring daanan ng maraming bansa dahil ito ay isang common fishing ground.

Facebook Comments