Nagsasagawa na ngayon ng berepikasyon ang Department of National Defense (DND) kaugnay sa napaulat na presensya ng isang Chinese research ship na Hai Da Hao sa Panatag Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakabatay ang susunod nilang mga hakbang sa makukuhang impormasyon na mga nagsasagawa ng mga maritime patrol sa lugar.
Pagtitiyak ng kalihim na gagawa ng nararapat na hakbang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng Northern Luzon Command para patuloy na maprotektahan ang teritoryo ng bansa.
Siniguro rin ni Lorenzana na buo ang suporta ng AFP sa Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa seguridad at para ipatupad ang batas kaugnay sa mga karagatang sakop Pilipinas at Exclusive Economic Zone (EZZ) ng bansa.
Batay sa ulat ni Ryan Martinson, Assistant Professor ng US Naval War College, nakita raw ang barko sa Zambales kahapon.