Naging matagumpay ang isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas, Australia, Japan at US sa West Philippine Sea (WPS) kahapon.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong, ang nasabing aktibidad ay collective commitment ng apat na bansa upang mapalakas ang kanilang regional at international cooperation bilang suporta sa pagtataguyod ng isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.
Nagsagawa sila ng communication exercise at division tactics na malaking tulong din sa capability development ng Armed Forces of the Philippines.
Nilinaw naman ni Andolong na ang aktibidad ay pagpapakita ng pagkakaisa ng Pilipinas, US, Japan at Australia na ginagawa rin naman ng ibang mga bansa.
Nasa China na aniya kung sa tingin nito ay pagpapakita ito ng pwersa.
Hindi rin ito dapat na maging dahilan ng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil ginawa naman ang four-nation naval drills sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.