Joint naval drills ng PH, US, Japan at Austrlia, sinabayan ng military combat patrols ng China sa South China Sea

Sinabayan ng military combat patrols ng China ang joint naval drills ng Pilipinas, Amerika, Japan at Australia sa West Philippine sea.

 

Ayon sa People’s Liberation Army ng Beijing, kontrolado nito ang lahat ng military activities na gugulo sa sitwasyon sa south China Sea.

 

Wala namang ibinigay na detalye ang China hinggil sa umano’y joint naval at air combat patrols nito sa lugar.


 

Samantala, isinagawa ang mga pagsasanay ilang araw bago ang makasaysayang trilateral summit ng Pilipinas, Amerika at Japan sa Washington sa April 11 kung saan kabilang sa tatalakayin ang usapin sa West Philippine Sea.

Facebook Comments