DND, nanindigang itataguyod ang soberenya at integridad ng Pilipinas

Binigyang diin ng Department of National Defense (DND) na mandato nitong pangalagaan ang soberenya at integridad ng pambansang teritoryo alinsunod sa itinatakda ng konstitusyon.

Ito ang binigyang diin ni Defense Sec. Gilbert Teodoro sa gitna ng pagsusulong ng ilang grupo na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Ani Teodoro, istriktong ipatutupad ng DND ang kanyang mandato laban sa panloob o panlabas ng banta.


Samantala, una na ring umapela si Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., sa mamamayan na talikuran ang panawagan na kumalas ang Mindanao sa Pilipinas na aniya’y kabaliktaran ng itinatakda ng konstitusyon at pagkakakilanlan ng Pilipinas.

Una na ring nag-ikot si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa mga kampo militar sa Mindanao at pinaalalahanan ang mga tropa na manatiling nakatutok sa kanilang mandato at patunayan na sa pamamagitan ng nagkakakaisang Sandatahang Lakas ay maitataguyod ang isang nagkakaisang bansa.

Facebook Comments