MIAA, magsasagawa ng malawakang electrical maintenance activities sa NAIA terminals

Magsasagawa ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng malawakang electrical maintenance activities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 2 mula bukas, February 6 hanggang March 7.

Gayundin sa MIAA Admin Bldg. at airfield bilang bahagi ng pag-upgrade sa NAIA electrical systems.

Ayon sa MIAA, magkakaroon din ng minimal disruptions sa ilang bahagi ng paliparan.


Sa kabila nito, tiniyak ng MIAA na mananatiling operational ang critical systems ng paliparan kaya walang maaapektuhan na flight.

Naabisuhan na rin ng MIAA ang stakeholders sa paliparan hinggil sa maintenance schedules.

Facebook Comments