DND, pinawi ang pangamba ng publiko kasunod ng nangyaring pagsabog sa Marawi City

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na walang dapat ikapangamba ang publiko kasunod ng nangyaring pagsabog kahapon sa Marawi City kung saan apat ang kumpirmadong nasawi at hindi naman bababa sa 50 ang nasugatan.

Ayon kay Teodoro, kumikilos ang lahat ng ahensyang panseguridad para mapangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan.

Naka-alerto na aniya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Mindanao at maging sa Metro Manila.


Sinabi ni pa Teodoro na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang nag-atas sa mga kinauukulang ahensya na agresibong resolbahin ang insidente at siguruhing hindi na ito maulit pang muli.

Kasabay nito, tiniyak ni Teodoro na tinututukan ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente sa Marawi.

Facebook Comments