DND Sec. Delfin Lorenzana, umaasa na makakamit na ng gobyerno ang pagflatten ng COVID-19 curve sa Metro Manila bago matapos ang Setyembre

Umaasa si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na magagawa na ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng mga kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa National Capital Region (NCR) bago matapos ang buwan ng Setyembre.

Ayon kay Lorenzana, ito ay upang maibaba na sa mas magaan na community quarantine ang Metro Manila na Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Tiniyak din ng kalihim na ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) teams na binuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng pribadong sektor ay available para labanan ang sakit.


Sa ilalim ng CODE strategy, kapag nakitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ang isang tao ay agad itong dadaan sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test o swab test.

Habang ang mga indibidwal namang na-expose sa mga nagpakita ng sintomas ay sasailalim sa isolation.

Facebook Comments