Pinasalamatan ni Defense Secretary Carlito Gavez Jr., ang ilang senador dahil sa kanilang suporta sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Joint maritime patrols ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Sec. Galvez, natutuwa siya dahil nakikita ng mga senador ang kahalagahan ng EDCA at Joint maritime patrols sa pambansang interes.
Sinabi pa nito na mandato ng Department of National Defense (DND) na protektahan ang pambansang teritoryo at itaguyod ang sovereign rights katulad ng karapatan ng mga Pilipino na mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Nakikiisa aniya ang DND sa mga bansang may kahalintulad ng pananaw, na nais tiyakin ang freedom of navigation gayundin ang mapayapa at magtatag na Indo Pacific Region.
Matatandaang sa naging pahayag nina Senador Francis Tolentino, Chiz Escudero, at Sherwin Gatchalian na makakatulong sa pagpigil ng panghihimasok sa teritoryo ng bansa, at sa pagpapahusay ng interoperability ng dalawang pwersa ang pagkakaroon ng joint US-RP maritime patrols.
Habang tinukoy naman ni Sen. Tolentino ang potensyal na foreign investment at economic development na dala ng mga EDCA sites na ilalagay sa ilang strategic areas sa bansa.