DND Sec. Lorenzana, negatibo sa COVID-19

37

Negatibo sa COVID 19 si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Inihayag mismo ito ng Kalihim matapos na matanggap ang resulta ng kanyang COVID-19 test.


Aniya, dalawang beses siya nagpa-COVID-19 test para makasiguro at kapwa nga negatibo ang resulta nito.

Pero, sinabi ng Kalihim na batay sa payo ng kanyang doktor ay kukumpletuhin niya pa rin ang kanyang home quarantine hanggang April 16.

Matatandaang boluntaryong sumailalim si Lorenzana sa home quarantine nitong March 27 matapos matanggap ang balita na positibo sa COVID 19 si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Felimon Santos Jr.

Nakasama kasi ng Kalihim si Gen. Santos sa dalawang okasyon noong March 21 at March 22.

Si Gen. Santos ay patuloy na naka-home quarantine sa kanyang quarters sa Camp Aguinaldo.




Facebook Comments