453 katao, nadakip sa paglabag sa protocol ng ECQ sa Navotas

82

Aabot sa 453 ang mga nahuli sa paglabag sa home quarantine sa Navotas City.

Ang bilang na ito ay mula sa mga nahuli mula March 20 hanggang March 31, 2020.


Nasa 21 naman ang mga naarestong residente na sasampahan ng kaso ng paglabag sa protocol sa enhanced community quarantine.

Ilan sa mga ito ay tambay, lumabas ng walang barangay pass o kaya naman ay nasa labas pa rin lagpas na sa oras ng curfew hours.

Paalala ng lokal na pamahalaan na seryoso ang gobyerno sa pagpapatupad ng mahigpit na home quarantine kung saan hindi dapat lalabas ng tahanan ang mga tao maliban na lamang kung bibili ng pagkain o gamot at susunod sa itinakdang curfew hour.

Facebook Comments