
Nirekomenda ni Department of National Defense (DND) Gilbert C. Teodoro Jr. na ibasura ang “Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapan at Seguridad” o TIKAS program para sa militar.
Ang TIKAS Program ay programa sana para sa pagpapatayo ng mga military facilities na pinondohan at pinamahalaan ng Department of Works and Highways (DPWH) .
Napagalaman ng ahensya na ang ilan sa mga proyektong pasilidad ng militar ay hindi pa tapos dahil ang pondo ay hindi napanatili at ang ibang imprastraktura ay naiwang incomplete at hindi nagagamit.
Nagpahayag naman ng suporta si DND Teodoro sa naging proposal ni Senator Sherwin Gatchilian patungkol sa paglilipat ng pondo ng TIKAS 2026 sa Department of National Defense.
Ayon pa sa kanya, sakaling mangyari ang paglilipat ay sisiguraduhin nitong magagamit ng maayos ang pondo ng publiko lalo na sa pagpapatibay ng imprastraktura ng Defense.









