NAPAKAHALAGANG konektado ang mga Pinoy ngayong ‘new normal’ kaya malaki ang maitutulong dito ng Globe At Home (GAH) Prepaid WiFi.
Ang GAH Prepaid WiFi ay tamang-tama sa online learning na isa sa mga paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mainam din ang GAH Prepaid WiFi sa mga nagtatrabaho sa pamamagitan ng work from home set-up at sa mga may online negosyo.
Bukod sa regular na GAH Prepaid WiFi modem, mayroon na ring GAH Prepaid WiFi LTE-Advanced modem — ang pinakamabilis na prepaid modem ngayon ng Globe dahil sa “Doble-Bilis Boosters” nito, na ibig sabihin ay mas mabilis kumpara sa kahit anong lumang prepaid modem ng Globe.
Sakto ito lalo na kapag may online classes ang mga bata at kailangang magpasa ng mga deadline sa trabaho.
Sulit din ang GAH Prepaid WiFi LTE-Advanced dahil pagkabili mo pa lang ay may libreng 10GB data na ito. Mas sulit din ang mga promo, freebie at reward ng GAH sa kada load nito.
Ayon sa Globe, budget-friendly at pangmatagalan ang gamit ng GAH Prepaid WiFI LTE-Advanced kung saan sa halagang P1,999 ay kaya nitong suportahan hanggang anim na mobile device o gadget kahit sabay-sabay gamitin.
Kung nagtitipid naman ay maaaring kumuha ng regular GAH Prepaid WiFi modem na mabibili sa halagangP999
lamang.
“Marami kasing promo ang Globe At Home Prepaid WiFi LTE-Advanced na puwedeng pagpilian ng pamilyang Pinoy depende na rin sa kanilang pangangailangan. Angkop ito para sa trabaho, pag-aaral at ibang mga bagay na kailangan ang maayos, maaasahan at mabilis na internet. Bukod sa abot-kaya ang halaga ng mga ito, maaari pa siyang i-share sa buong pamilya at hanggang anim na mobile phone o gadget gaya ng laptop at tablet ang puwedeng mag-connect. Sa panahon na kailangang magtipid pero connected pa rin, malaking bagay na may Globe At Home Prepaid WiFi ang bawat pamilya. Tandaan lamang na huwag palitan ang Home Prepaid WiFi SIM na nakalagay sa inyong modem upang lubos na ma-enjoy ang abot-kaya at sulit na mga promo nito,” sabi ni Darius Delgado, VP for Broadband Business ng Globe.
Bukod sa budget-friendly at siksik sa bigat ng data, madali ring i-load ang mga GAH Prepaid WiFi promo. Puwedeng mag-load gamit lang ang Globe At Home app, GCash app o pumunta sa pinakamalapit na suking tindahan.
Makatutulong din ang paggamit ng GAH Prepaid WiFi sa mga mag-aaral. Bukod sa may internet connection na, kada biling GAH Prepaid WiFi ng mga customer ay nakatutulong sila sa paglikom ng pondo para naman mabigyan ng access sa online learning ang mga mahihirap at deserving na mag-aaral. Bawat benta ng GAH Prepaid WiFi ay P100 ang napupunta para sa pagbili ng mga modem para sa mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang public school sa bansa.