DOBLE KAYOD | Kamara, mag-do-double time para tapusin ang deliberasyon sa 2019 budget

Manila, Philippines – Magdo-doble kayod ang Kamara para matapos agad ang deliberasyon sa plenaryo sa 2019 national budget.

Ito ay matapos mapurnada nitong Lunes at Martes ang nakatakda sanang budget deliberation sa plenaryo matapos na sumingaw ang isyu sa P55 Billion pesos.

Dahil dito, inabot na ng madaling araw o alas kwatro ng umaga ang unang debate sa P3.757 Trillion habang alas onse y medya naman noong ikalawang araw ng deliberasyon.


Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles, magdadagdag ng oras ang Kamara upang tapusin sa takdang panahon ang pagsasabatas ng pambansang pondo.

Inaasahan din ni Nograles na magiging komprehensibo ang mga diskusyon at debate sa budget kung saan papasok ang kapangyarihan ng Kongreso na magtakda ng aktwal na halaga ng mga natukoy na programa at proyekto ng mga ahensya sa ilalim ng National Expenditure Program.

Nagtakda naman ang Kamara ng pagdinig ng budget sa plenaryo hanggang Biyernes para sumakto pa rin sa itinakdang deadline ng pag-apruba dito sa Oktubre o bago ang session break ng Kongreso.

Facebook Comments