Doble plaka law para sa mga motorsiklo hindi diskriminasyon ayon sa PNP

Hindi maituturing na diskriminasyon para sa mga gumagamit ng motorsiklo ang bagong batas na motorcycle crime prevention act o “doble plaka law”.

 

Ito ang pahayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa harap ng protesta ng 50 libong mga motorista mula sa National Capital Region at ilang lalawigan dahil para sa kanila may diskriminasyon ang ipinasang batas.

 

Nakapaloob sa doble plaka law, na inoobliga na ang lahat ng mga nagmamaya ari ng  motorsiklo na maglagay ng license plates sa harap at likod ng motorsiklo.


 

Paliwanag ni Albayalde ang pagpapatupad ng batas na ito ay bahagi ng security na hindi lang para sa iilan kundi para sa lahat.

nakikita aniya nilang magiging epektibo ito para mabawasan ang krimen na gawa ng mga riding in tandem criminals.

 

Mas maigi ayon pa kay Albayalde na subukan na muna ang batas at huwag magisip ng negatibo.

 

Nitong Marso a-otso nang pirmahan ng pangulo at maisabatas ang motorcycle crime prevention act.

 

Ang sinumang nagmomotor siklo na  hindi susunod sa batas magmumulta ng isang daang libong piso.

Facebook Comments