Dobleng ingat laban sa Delta variant, ipinaalala ni VP Leni Robredo sa publiko

Nagpaalala si Vice President Leni Robredo sa mga Pilipino sa doblehin ang pag-iingat sa harap ng banta ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay VP Leni, bakunado man o hindi ay dapat na manatiling maingat sa pagkilos para matigil ang pagkalat ng mas nakakahawang variant ng virus.

Hinikayat naman ng Pangalawang Pangulo ang mga hindi pa nagpapabakuna na magpa-rehistro na sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan para mabakunahan laban sa COVID-19.


Sa ngayon, aktibo ang opisina ni VP Leni sa pagpapaigting ng vaccination efforts sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan kabilang na rito an; pagsasagawa ng Vaccine Express sa; Manila City, Naga City, Iriga City, Quezon City, at Cagayan de Oro City.

Sa ilalim ng programang ito, tumutulong ang Office of the Vice President ng agarang ma-deploy ang mga bakuna na inilaan sa mga local na pamahalaan, sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga volunteer vaccinator at encoders.

Facebook Comments