DOBLENG PAHIRAP | Isang lola, pinagnakawan na ginahasa pa sa Bulacan

Bulacan – Dobleng pahirap ang naranasan ng isang 60-anyos na lola dahil matapos itong pagnakawan ay ginahasa pa ito ng nag-iisang suspek sa Barangay Camachilihan, Bustos, Bulacan.

Halos hindi makalad ang biktimang si alyas Nene matapos ang panggagahasa kung saan mismong sa loob ng kaniyang bahay naganap ang insidente.

Inilalarawan niya ang suspek na nasa 5’0”-5’2” ang taas, maliit ang pangangatawan, nakasuot ng puting ­t-shirt, maong na pantalon at asul na bull cap.


Natangay ng suspek ang mga mahahalagang ari-arian na umaabot sa halagang P382,000 at bago tumakas ay pinagsawaan muna ang biktima habang nakatali sa kama nito.

Facebook Comments