ROAD ACCIDENT | Isang lolo, patay sa aksidente sa Pangasinan

Pangasinan – Patay ang isang lolo matapos itong maaksidente sa bayan ng Alcala, Pangasinan.

Kinilala ang nasawi na si Romeo Cabanilla, 60-anyos, na nasawi matapos bumangga sa poste ang minamaneho nitong tricycle.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa kanyang tricycle ang biktima habang binabagtas ang daan sa Barangay San Pedro Ili sa bayan ng Alcala, dahilan upang bumangga ito sa isang poste at nagpaikot-ikot pa ang kaniyang sasakyan.


Nagawa pang isugod sa ospital ang lolo pero idineklarang patay na ng mga doktor.

Nagtamo naman ng sugat ang isa sa apat na sakay ng biktima na kinilalang si Almie Fronda na residente rin sa Barangay Bersamin sa nabanggit na bayan.

Facebook Comments