Doctor, kinasuhan ng perjury sa Pasig RTC

Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa posibleng pagkakulong ang isang doktor makaraang kasuhan siya ng perjury ng isang Singapore-based investment group sa Pasig RTC.

Kinasuhan ng perjury o pagsisinungaling si Dr. Alfredo Bengzon, dating Chief Executive Officer ng The Medical City.

Ayon sa isinampang kaso ng Investment Firm, pilit diumanong pinapalabas ni Dr. Bengzon na siya pa rin ang CEO ng nasabing ospital sa kabila ng pagkakahalal kay Dr. Eugenio Ramos bilang bagong CEO.


Ligal ang pagkakahalal kay Ramos na siyang itinalagang Chief Executive Officer nang magkaroon ng special shareholders meeting ang mga may-ari ng hospital noong Setyembre nitong nakaraang taon.

Batay sa Complaint, nawalan na umano ng tiwala ang mga shareholders ng hospital makaraang malugi umano ang ospital ng mahigit 11 bilyong piso bunga ng overpriced na magpapatayo ng ospital sa Guam.

Labingisang bilyong piso lamang ang inaprubahang budget ng board ng ospital para sa pagpapatayo ng isang hospital sa Guam ngunit gumastos diumano ng mahigit 21 bilyong piso si Dr. Bengzon kasama ng kanyang daughter-in-law na si Margaret Bengzon.

Facebook Comments