Doctor umano ng Maute group, nahaharap sa extradition case sa US

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Atty. Dalumilang Parahiman na may extradition case sa Amerika ang kanyang kliyenteng si Dr. Russel Malic, ang sinasabing kaalyado ng Maute terrorist group.

Ayon kay Atty. Parahiman, may kinalaman ang extradition case sa sinasabing pagsuporta ni Dr. Salic sa ISIS at sa Middle East teachers sa US.

Inamin naman ni Atty. Parahiman na nagpadala minsan si Salic ng 20-thousand pesos sa Middle East teachers na nakabase sa Estados Unidos.


Nilinaw naman ni Atty. Parahiman na kahit kailan ay hindi pa nakakatapak ng Gitnang Silangan ang kanyang kliyente.

Facebook Comments