DOE, aminadong hindi kontrolado ang sunod-sunod na oil price hike

Aminado ang Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE- OIMB) na hindi nila makokontrol ang patuloy na pag-taas sa produktong petrolyo.

Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero, walang makakapagsabi kung magtutuloy-tuloy pa ang oil price hike sa mga susunod na linggo dahil malikot ang galaw ng presyuhan sa world market.

Aniya, ang lahat ng ginagamit nating produktong petrolyo ay imported kaya ang kung magkano ang presyuhan nito sa international ay ayun din ang ipinatutupad sa ating domestic pump price.


Kasabay nito, muli namang nagpapaalala si Romero sa mga kompanya ng langis na ipatupad ang corporate responsibility kabilang na ang pagbibigay ng discount at utay-utay na pagpapataw ng taas-presyo

Facebook Comments