DOH, nakapagtala ng 554 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon

Nakapagtala ang Department of Health ng 554 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Dahil dito, sumampa na sa 3 million 671 thousand 293 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit kung saan nasa 46,256 ang aktibo.

Umabot naman sa 3 million 567 thousand 412 ang total recoveries habang nasa 57,625 ang nasawi.


Batay pa sa DOH, 24.62% o 912 mula sa 3,701 na Intensive Care Unit (ICU) beds ang nagagamit sa buong bansa

Habang 22.04% ng isolation beds at 13.66% ng wards beds ang okupado.

Facebook Comments