Hindi pa masabi ng Department of Energy (DOE) kung kailan maibabalik ang suplay ng kuryente sa Catanduanes at iba pang mga lugar sa Bicol Region na matinding sinalanta ng Bagyong Rolly.
Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, anim na power plants sa Bicol ang naka-shut down bilang bahagi ng kanilang contingency plan sa mga nakalipas na araw.
Kinumpirma rin ni Cusi na ang mga planta sa Tiwi ay hindi pa fully operational sa ngayon.
Aniya, nasa ₱2.8 billion ang halaga ng napinsalang energy infrastructures ng Bagyong Rolly.
Sa ngayon aniya, nagtutulong-tulong ang lahat ng ahensya at bureaus ng DOE lalo na sa pag-assess sa gagawing restoration ng suplay ng kuryente.
Sinabi pa ni Cusi na pinag-aaralan nila nang mabuti ang energy restoration sa Bicol region.