DOE, bumuo ng law and energy advisory panel matapos ipag-utos ng pangulo ang pagresolba sa problema sa regulatory framework ng energy sector

Isang law and energy panel ang binuo ng Department of Energy (DOE) para magkaroon ng solusyon ang problema ng ahensya sa regulatory framework ng Energy sector.

Ginawa ito ng DOE makaraang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyakin ang stable at malinaw regulatory framework para ma-address ang mga hindi inaasahang pangyayaring may kinalaman sa legal environment para sa investment sa oil and gas industry.

Makakatulong din aniya ang binuong panel sa pagbuo mas magandang investment climate.


Sa isang virtual conference, sinabi ni DOE Secretary Raphael Lotilla na kasama sa binuong panel para maging senior legal advisers sina retired Chief Justices Artemio Panganiban at Reynato Puno na magsisilbing private citizens.

Facebook Comments