MMDA, nilinaw na tuloy pa rin ang panghuhuli sa traffic violators kahit pa may NCAP

35

Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kumakalat na post sa social media na nagsasabing wala nang tauhan ng MMDA ang ipakakalat sa mga lansangan upang manghuli dahil sa ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).

Nilinaw ng MMDA na patuloy pa rin sa panghuhuli ang kanilang mga traffic enforcer kahit may umiiral na NCAP, lalong-lalo na sa pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Pinayuhan naman ang ahensya ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga post sa social media, at alamin muna ang source o pinanggalingan nito.


Upang makatiyak, hinikayat ng MMDA ang publiko na bisitahin ang kanilang official social media platforms para sa mga lehitimong impormasyon at announcement upang hindi mabiktima ng misinformation.

Facebook Comments