DOE, dapat magpatupad ng contingency measures para maagapan ang power interruption ngayong summer

Inihain ni Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang isang resolusyon na kumakalampag sa Department of Energy (DOE) at lahat ng stakeholders sa sektor ng enerhiya.

Layunin ng hakbang ni Gatchalian na igiit ang paglalatag na agad ng contingency measures para sa inaasahan na namang kakulangan sa supply ng kuryente ngayong tag-init.

Ayon kay Gatchalian, dapat ay mahigpit nang mino-monitor ng DOE ang mga power generation companies para matiyak na hindi magkakaroon ng brownouts.


Binigyang diin ni Gatchalian sa resolusyon na obligasyon ng DOE at stakeholders na tiyakin ang sapat na supply ng kuryente sa summer.

Sa ngayon, sapat pa umano ang supply ng kuryente pero posibleng magkaroon ng brownouts sa luzon sa abril hanggang kalagitnaan ng Mayo.

Facebook Comments