
Hindi inaalis ng Energy Department ang posibilidad na pumalo ng ₱200 ang kada litro ng diesel.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nakadepende ito sa nagpapatuloy na sitwasyon sa Middle East at sa mga bansang sangkot sa giyera.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Energy Undersecretary Rino Abad na matatag ang supply ng LPG.
Ayon kay Abad, may suplay ng LPG ang Pilipinas hanggang sa Hunyo ng taong ito.
Kinumpirma naman ni Abad na ang pagtaas sa presyo ng LPG ngayong Abril ay bunga ng pagtaas ng presyo ng contract price sa World Market.
Facebook Comments










