Iginiit ni Secretary Alfonso Cusi ng Department of Energy (DOE) na i-aapela nila sa Supreme Court ang naging desisyon ng Court of Appeals na huwang munang ipatupad ang kanilang Department Order kaugnay sa pagkontrol ng presyo ng langis na ipinapataw ng oil companies sa bansa.
Sa ngayon ay hindi pa aniya natatanggap ng ahensya ang desisyon ng Court of Appeals.
Pero aniya oras na matanggap nila ito, hindi sila magdadalawang isip na i-apela ito sa mataas na hukuman ng bansa.
Subalit ang desisyon ng Court of Appeals ay hindi naman nagpapawalang bisa sa kanilang Department Order.
Matatandaan, nagsampa ng kaso ang oil companies ng bansa na ipawalang bisa ang ginawang Department Order ng DOE upang makontrol ang presyo ng langis sa bansa.
Pahayag ni Cusi na layunin ng nasabing Department Order ng kanilang ahenya na magkaroon ng transparency at makita kung anong mga components sa pagpapatupad ng presyo ng langis ng oil companies sa bansa.