DOE, iginiit na walang krisis sa gitna ng pagdedeklara ng red alert status sa Luzon grid

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang krisis sa kabila ng pagdedeklara ng red alert status sa Luzon grid dahil sa pagnipis ng reserbang kuryente.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, mayroon namang contingency plan ang pamahalaan para sa ganitong mga insidente.

Aniya, sapat naman talaga ang supply ng kuryente pero nagkataon lang na nagkaaberya ang mga planta.


Sabi ni Fuenteblla, ipinatawag na nila ang pamunuan ng mga pumalyang planta para pagpaliwanagin.

Giit pa ni Fuentebbela, kumpiyansa sila na hindi magtatagal ang problema dahil malapit ng madagdagan ang mga operational power plant.

Facebook Comments