DOE, kinumpira na walang nasirang powerplant sa lindol sa Batanes

Kinumpira ng Department Of Energy (DOE) na walang nasirang power plant kasunod na kambal na lindol na yumanig sa probinsya ng Batanes kahapon.

 

Sa isinagawang pagsusuri ng task force on energy resiliency ng DOE normal naman na operasyon ng mga planta ng kuryente at walang napaulat na kahit anong epekto sa mga nasabing pasilidad na dulot ng mga lindol at aftershocks.

 

Nakahandang bumalik-operasyon ang itbayat diesel power plant sa oras na handa na rin ang distribution system ng Batanes Electric Cooperative (BATANELCO) kapag natapos na ang isinasagawang assessment ng batanelco sa mga linya ng kuryente.


 

Sa tulong ng national electrification administration, nakahandang magpahiram ng generators ang Cagayan One Electric Cooperative at Isabela II Electric Cooperative habang aabot sa dalawang buwan ang supply ng petrolyo ng petron.

Facebook Comments