Macalañan, nakiramay sa mga pamilyang naulila dahil sa lindol sa Batanes

Nakikiramay ang Palasyo Ng Malacañan sa mga pamilyang binawian ng buhay dahil dalawang malakas na lindol na tumama sa Batanes noong sabado.

 

 

Sa mensahe na ipinalabas ni Presidential Spokesman at Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na nananalangin sila para sa mabilis na pagbangon ng lalawigan ng Batanes at agarang paggaling ng mga nasugatan sa lindol.

 

Dagdag pa ni Attorney Panelo, na ginagawa na ang lahat ng makakaya ng national government kasama na ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang maibigay ang tulong sa lalong madaling panahon.


 

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na malaman ang sitwasyon ng mga apektado ng lindol  at malaman ang lawak ng pinsala ng dulot ng kambal na lindol sa probinsya ng Batanes.

 

Desidido ang punong ehekutibo na mabilis na pagbangon ng Batanes lalo pat’ isa ito sa mga tourist destination ng bansa

Facebook Comments