DOE, may tips upang makatipid sa kuryente

Manila, Philippines – Nagbigay ng tips ang Department of Energy (DOE) para makatipid sa paggamit ng kuryente.

Patayin ang ilaw kapag hindi gagamitin at linisin ito upang hindi matakpan ng dumi ang liwanag.

Mas mainam din kung gagamit ng led lights.


Buksan lamang ang electric fan na naaayon sa kinakailangang lakas ng hangin dahil kapag mas mabilis ang ikot ng fan blades nito ay malakas din ang konsumo sa kuryente.

Manood ng TV kasama ang buong pamilya para isahan na lamang ang paggamit nito.

Isarang mabuti ang refrigerator at iwasan ang paglalagay ng mainit na pagkain.

Tanggalin sa outlet ang plug ng microwave oven, electric stove, rice cooker kung hindi ginagamit.

Mas mabuting kung gagamitin ang plantsa at washing machine kapag maramihan ang bulto ng mga damit.

Facebook Comments