Comelec, nilinaw na wala na silang isinasagawang voters’ registration

28

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na hindi na sila nagsasagawa ng voters registration.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – natapos na ang biometrics registration noong nakaraang taon.

Nanawagan din si Jimenez sa publiko na huwag magpapaloko lalo at may ilang botante ang iniimbatahan para magpakuha ng biometrics kahit tapos na ang registration.

Nabatid na isinagawa ng poll body ang voter registration mula July 2 hanggang September 29, 2018.

Facebook Comments