DOE, may whole of government approach para sa sunod-sunod na oil price hike

Naghahanap na ang Department of Energy (DOE) ng mga hakbang para matugunan ang epekto ng sunod-sunod na oil price hike.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang kagawaran para magpatupad ng whole-of-government approach.

Aniya, ang Department of Agriculture ay may pondo para matulungan at maibsan ang problema sa petrolyo ng mga farmers at fisherfolks.


Habang mayroon din aniyang Pantawid Pasada Program ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa transport sector.

“Hindi man po si Department of Energy ang direct na nag-i-implement, we have a partnership with the Department of Agriculture. It’s a whole of government approach when, instead, ang DA may pondo po sila para matulungan at maibsan man lang ang problema sa petrolyo ng mga farmers at saka fisherfolks. So magbibigay sila ng fuel discounts. So inaayos na po iyong guidelines doon.

And then, siguro po part din ng temporary relief sa ating transport sector iyon pong initiative din ng ating DOTr through the LTFRB na Pantawid Pasada Program. Alam naman po natin noong mga nakaraang taon na nakatulong din po iyong Pantawid Pasada noong 2018 at saka 2019. So si DOE rin po ay nakikipag-coordinate rin po with LTFRB para masigurado po nila na iyong mga oil companies naman po ay tatanggapin iyong Pantawid Pasada card.” ani Romero

Nabatid nitong Martes, Feb 15 ang ikapitong linggong nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments