DOH, nakapagtala ng higit 2,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 2,671 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 2,010 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,644,597 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 68,829 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 6,130 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,520,545 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 55,223 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 77 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 14 habang may anim na laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments