DOE, nagbabala sa mga hindi awtorisadong magbenta ng LPG

Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na mayroong mabigat na kaparusahan ang sinumang hindi awtorisadong magbenta ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Ayon kay DOE Senior Science Research Specialist Robert Cardinales na ang sinumang nagbebenta na LPG na hindi awtorisado ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P5,000.

Sa mga paulit-ulit na violators ay maaaring masampahan ng kasong krimen, maisara ang negosyo at habambuhay na pagbabawalan na makasali sa industry ng LPG.


Magugunitang noong Hulyo 6, 2023 ng magpaso na ang LPG Industry Regulation Act kung saan 90 percent ng mga local distributors ang nararapat na kumuha pa ng kanilang lisensiya.

Facebook Comments