Congressional oversight committee, magsasagawa ngayong araw ng review sa paggamit ng confidential funds

Magsasagawa ng pagpupulong ngayong araw ang Congressional Oversight Committee on Confidential Fund.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ang gagawing pagpupulong ng oversight committee ay para i-review ang naging pagggamit ng confidential fund noong nakaraang taon.

Layunin ng gagawing review na magabayan ang mga senador sa pagdedesisyon sa ginagawang deliberasyon para sa budget ng bansa sa susunod na taon.


Aniya, bukas namang dumalo ang iba pang mga senador sa gagawing pagpupulong ng oversight committee on CIF.

Gayunman, ito ay executive session at hindi magiging bukas para sa media o publiko dahil sa nature ng paggamit ng intel at confidential fund na may kaugnayan sa national security at public safety.

Facebook Comments