DOE, nagbigay ng tipid tips sa mga consumer sa nagbabadyang taas-singil ng kuryente

Nagbigay ang Department of Energy (DOE) ng tipid tips sa mga consumer bilang paghahanda sa pagsipa ng taas-singil ng kuryente.

Pinapalawak din ng ahensya ang energy labeling program sa iba pang appliances kung saan mas makatitipid ang mga consumer.

Ayon sa DOE, mas maigi na patayin lahat ang mga appliances kung hindi naman ginagamit, pumili rin ng subok at safe na mga kagamitan para hindi lamang tipid kung hindi sa kaligtasan na rin ng bawat households.


Matatandaan na buwan ng Marso tumaas ang singil ng kuryente dahil na rin sa nangyaring shutdown dahil sa mas mahal na fuel.

Samantala, naghahanap naman na ang ilang electric company ng paraan para maisaalang-alang ang magiging epekto nito at patuloy na nakikipagnegosasyon sa ilang planta na mura ang singil sa suplay ng kuryente.

Facebook Comments