Illegal recruiters, dapat tiyaking hindi makaka-eksena sa 1-M trabaho para sa mga Pilipino sa Saudi Arabia

Pinuri ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang matagumpay na pag-secure ni Department of Migrant Workers o DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople ng isang milyong trabahong para sa mga Pilipino sa Saudi Arabia.

Para kay Salo, magandang pag-asa ang hatid nito sa harap ng visa ban ng Kuwait sa mga Pilipino.

Hindi naman inaalis ni Salo ang posibilidad na samantalahin ng illegal recruiters ang magandang oportunidad na ito para sa mga manggagawang Pilipino.


Payo ni Salo sa mga kababayan na planong mag-apply ng trabaho sa Saudi Arabia, mag-ingat sa mga illegal recruiter na mananamantala sa kanilang hangad na mapabuti ang kinabukasan.

Kasabay nito ay pinakikilos na agad ni Salo ang DMW at iba pang kinauukulang ahensya, tulad Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, para ibigay sa Filipino workers ang kakayahan at pagsasanay na kailangan sa mga trabaho ipagkakaloob ng Saudi Arabia.

Facebook Comments